LYRIC

ANG BUHAY SA MUNDO

Ang buhay sa mundo ay walang kabuluhan
Kung wala si Hesus sa puso mo
Lahat ng kayamanan kahit pa mapasaiyo
Darating ang panahon lahat ito’y maglalaho

Koro:
O Hesus salamat, mata ko’y namulat
Sa banal mong dugo mga sala ko’y napatawad
Nilinis mo ang puso ko at isipan
Sa lahat-lahat ng bagay ipinalit mo’y kabutihan

Sadyang walang katulad, yan ang totoo
Ang buhay ng isang mabuting Kristiyano
Sumasama, nagbabago man ang mundo
Galak at kapayapaan mananatili sa puso mo

Halina O kapatid, buksan ang iyong puso
Sa bugtong na anak ng Diyos na Lumikha
Kapag kumatok siya sa iyong puso
Buksan mo aking anak, Ako’y tanggapin mo

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT