LYRIC

HABANG MAAGA PA

Habang maaga pa ay nararapat tupdin
Ang inukol na gawain
Araw ay daraan na sasapit ang dilim
Walang magagawa kahit pilitin

Koro:
Bakit ba sasayangin
Oras na di kayang bilhin
Ang isipin marami pang darating
Ang utos ng Diyos ay sundin

Ito’y wika ng Diyos na di dapat limutin
Nasa atin ibinilin
At kung may pagsubok lagi lang manalangin
Ang Diyos ay makakapiling

Habang maaga pa ay nararapat tupdin
Ang inukol na gawain
Araw ay daraan na sasapit ang dilim
Walang magagawa (2x) kahit pilitin (2x)

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT