LYRIC

MANALIG KA

Ilang beses ka man sa kanya’y dumalangin
Kung wala naman ito sa iyong damdamin
Asahan mong ika’y hindi niya diringgin
Lalo pa’t ang iyong puso’y isang pusong sakim

Lumuhod at dumapa ka man sa harap ng dambana
At pagkukunwari sa kanya ay sumasamba
Sinlaki man ng bundok ang iyong pananampalataya
Kung sa buhay mo naman ay kulang sa gawa

Koro:
Kaya’t manalig ka katulad ng isang bata
At ika’y pagpapalain ng ating Ama
Magtiwala ka katulad ng isang bata
At ang lahat ng hinihiling mo’y ibibigay niya

Mapasaiyo man ang lahat ng bagay sa mundo
Kung wala namang pag-ibig sa kapwa tao
Punong-puno man ng pag-ibig ang iyong puso
Kung ang lahat ng ito sa buhay mo’y balatkayo

Lagi mong tatandaan mahal kong kaibigan
Nasa Diyos ang lahat ng kasagutan
(Repeat Koro)

Manalig ka, magtiwala ka, manalig ka

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT