LYRIC

MATA MO’Y ITUNGHAY

O Hesus Panginoon naming
Mata mo’y itunghay sa amin
Sa amin pong mga gawain
Kami po ay inyong pagpalain

Ang araw na ito po Ama
Ay araw na maligaya
Pagka’t ngayo’y ginaganap na
Ang gawain naming mahalaga

Koro:
Ang evangelio mo Hesus ko
Ay siyang liwanag sa tao
At siya ang tanglaw sa amin
Nang wala ng madako sa dilim

Kung tayo ay hindi susunod
Sa mg utos ng Diyos
Sa parusa ay mahuhulog
Kaluluwa mo ay masusunog

Kung atin naman siyang susundin
Ligaya ang ating kakamtin
At si Hesus na Poong giliw
Siya ay lagi nating kapiling

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT