LYRIC

SALMO 23

Ang diyos ang aking patnubay
Hindi ako magkukulang
Sa sariwang damuhan inaakay niya ako
Sa tamang daan siya’y patnubay ko

Koro:
Sa aking paglalakad sa kadiliman
Wala akong katatakutan
Pagkat sumasa akin ang panginoon

Binigyan mo ako ng pagkain
Sa harapan ng aking mga kaaway
Pinahiran mo ng langis ang aking ulo
Tanda na ako’y tinanggap mo

Ang iyong pag-ibig at kabutihan
Ito ang aking kanlungan
Sa bahay ng diyos ako’y mananahan
Hanggang sa magpakailanman

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT