LYRIC
ESPIRITOMO’Y TULAD NG BULAKLAK
Ang Espiritismo’y tulad ng bulaklak
Na may tanging samyong halimuyak
Ngunit kung sa bango lamang magaganyak
Katamisan nito’y hindi malalasap
Koro 1:
Daigdig na ito’y palihan ng diwa
Na ang tagapali bisig ng tadhana
Ang hindi mahuhubog sa turong dakila
Sa apoy namang ihahasa
Yaong naglilingkod upang paglingkuran
O kaya’y iniibig nang ibigin naman
Ang ganyang gawain may nais gantihan
Wala nang biyaya ng kabatlayaan
Koro 2:
Ang ayaw umani ng kapighatian
Marapat magtanim ng kaligayahan
Kung ano ang binhi ay tiyak na asahang
Ibubunga’y ganon sa kapanahunan
Iyang kahirapan ay hindi parusa
Kundi kaibigan dapat makilala
Ang mga tiisin madalas magdala
Ng gintong hangari’t banal na panata
Ang kadakilaan ng puso’t damdamin
Ay wala sa dunong ni sa yamang angkin
Manapa’y doroon sa diwang maningning
Nasa kaamua’t magandang gawain
No comments yet