LYRIC
IWAGAYWAY NATIN
Iwagayway natin ang bandila ni Kristo
Na siyang tatak nating Kristiyanos
Sundin natin ang panginoon (2x)
Nasa gloria (2x) si Hesus na Poon
Iwagayway natin nang walang katapusan
Ang sagisag ng kabanalan
Si Hesus siyang buhay at ilaw
Siya ang ating Mananakop
At sagisag ng pag-asa at buhay Kristiyano
Ang bandila ni Hesus at Ama
Ang iwagayway natin sa tuwina
Pagkat Siya ang ating pag-asa
Sa ating buhay at kaluluwa
Itong bandilang kataas-taasan
Ang nararapat nating igalang
Pagkat Siyang sagisag ng lahat
Ng Amang nasa kalangitan
Manalangin kami sa ‘yo Ama
Sasambahin ka namin sa tuwina
Ikaw ang mapagmahal na Ama
Nagbibigay buhay sa madla
Kami ngayo’y bigyan ng biyaya
Ama naming mahal na patnubay
Ngayo’y sa amin igawad mo na
Bendisyunan mo kami Ama, Oh Ama
Monic
August 1, 2021 at 5:54 pm
Mali po ang lyrics sa pangatlong stanza “Ang bandila ni Hesus na Ama” ang tama po ay “Hesus at Ama” nasa by laws po nating UECFI na si Hesus ay panginoon at nasa libro din po ng ating Pondador Don Juan Erfe Alvear sa Aganop iran Aaralen na ang ating Panginoong Jesu Cristo ay hindi ang Ama.
Administrator
August 2, 2021 at 10:41 pm
Salamat po!