LYRIC

ALPHA AT OMEGA 1

Sa bawat oras na pakikipagtipan O Jesus ko
Buksan ang aming puso umunawa sa ‘yong evangelio
Marupok ang puso daig ng sari-saring tukso
Kaya O Dios kami’y tulungan mo

Iyong nababatid mahina ang aming mga laman
Kami’y tumatangis tumatawag sa ‘yo Amang banal
Tunghayan mo kami at huwag mo kaming iiwanan
Espiritu kami ay damayan

Mahabaging Diyos Espiritung aming iniibig
Jesus na Panginoon ang mata mo sa amin ititig
Sa aming kasalanan pawiin mo ang iyong galit
Upang kamtan luwalhati sa langit

Nasa iyo ang pangako’t buhay na walang hanggan
Sa Alpha at Omega sa banal na kasulatan
Ikaw ang simula ikaw rin ang siyang katapusan
Ikaw Jesus ang siyang kaligatasan

Added by

Administrator

SHARE

  1. Mel Duenas

    June 10, 2017 at 1:38 pm

    Nais ko po matoto sa mga kanta na papuri sa ating PANGINOON DIOS

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT