LYRIC

HANGGANG ‘DI MO NABABATID

Kung kamtan mo man ang mundo’t kanyang yaman
Maging palasyo man ang iyong tahanan
Makamit mo man ang lahat ng bagay sa sanlibutan
Buong buhay ay walang kabuluhan

Koro:
Hanggang di mo nababatid ang daan tungo sa langit
Ay di mo makakamtan ang walang hanggang pag-ibig niya
Hanggang di mo nadarama ang palad ng Diyos Ama
Ay di mo makakamtan ang kanyang pag-ibig

Kung nasa ‘yo man ang ganda at talino
Umasa man sa iyo ang buong mundo
Kung kulang ka sa pagbabasa sa banal na kasulatan
Wala pa ring halaga ang karunungan

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT