LYRIC

PANGAKONG BANAL

Pangakong banal ang ibinigay
Ng Panginoon sa sanlibutan
Sa matuwid na landas alalay siya
Ang sabi niya’y patnubayan ka

Coro:
Gabayan ka (2x)
Sa mundo alalayan ka
Hanggang buhay na walang hanggan
Babantayan, gabayan ka

Kung darating sa’yo ang pagsubok
At malihis ka sa ‘yong landas
Alalahanin mo ang ‘yong sumpang banal
At ingatang di mawawalay

Kung mawawalan ka ng pag-asa
Sampu ng iyong pananalig
Alalahanin mo ang ‘yong sumpang banal
Ika’y kanyang susubaybayan

Added by

Administrator

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT