LYRIC

SASAMBAHIN KA NAMIN

Sasambahin ka namin O Diyos na Ama
Nang buong abang puso at damdamin
Sa paglingap at pagmamahal sa amin
Nadinig mo ang aming panalangin

Nagpapasalamat kami sa iyo
Sa pagmamahal sa aming mga anak mo
At sa tuwina laman ka ng diwa
At ikaw ang Amang mahal, nasa gloria

Koro:
Gloria (4x)
Gloria ka Amang mapagmahal
Gloria (4x)
Gloria ng Espiritu Santo, Oh Santo

Ang iyong awa nawa’y aming makamtan
Kaming mga anak mong sumasamo
Sana kami ngayo’y pakinggan mo
Sa aming pagsamba sa iyo

Ikaw ang tanglaw naming nasa kalangitan
Dito sa lupa ikaw ang karunungan
Kami ngayo’y bigyan mo ng aral
Sa karunungan mong mga espirituwal, ng espirituwal

Added by

Administrator

SHARE

  1. Eklen

    October 30, 2015 at 12:39 pm

    Mapagpalang oras po mga kapatid.
    Ako’y nagpapasalamat at nagagalak dahil may mga lyrics ng mga himnos natin online…mas maigi at kompleto po sana kong may audio ang mga songs natin para alam din namin yong mga tono(tunes) ng mga himnos. Muli, maraming salamat po…Mabuhay UECFI. God Bless us all.

    • Administrator

      February 29, 2016 at 4:36 am

      Maraming salamat sa pagbisita Hmna Eklen. We are planning to put audio/video para mas kumpleto. Maraming salamat po sa suggestion. Mapagpalang Araw!

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT